-- Advertisements --

Pansamantalang pinag-leave of absence ang actress na si Nadia Montenegro habang iniimbestigahan dahil sa paggamit ng marijuana sa loob ng Senado.

Kinumpirma ng chief of staff ni Senator Robin Padilla na si Atty. Rudolf Philip Jurado ang pag-leave of absence ng actress bilang isa sa mga political officer ng senador.

Itinanggirin ni Jurado na nagbitiw na sa kaniyang puwesto ang actress dahil sa kontrobersiya.

Paglilinaw nito na empleyado pa rin siya ng Senador at inaasahan na sasagutin nito ang incident report ng Office of the Sergeant at Arms.

Nitong Agosto 13 na bago pa man ang isinagawang imbetigasyon ng Office of the Sergeant At Arms (OSAA) na inatasan ang actress na mag-leave of absence.

Binigyan rin ang actress ng limang araw o hanggang Agosto 18 na magsumite ng kaniyang written explanation ukol sa nasabing usapin.

Pinakiusapan din ni Jurado ang actress na sumailalim siya sa drugtest.