-- Advertisements --

Nais ni Senator Vicente ‘Tito’ Sotto III na ibalik ng Senado ang random drug testing sa mga lahat ng Senate employee.

Kasunod ito sa paggamit ng isang tauhan ng senador na gumamit ng marijuana sa palikuran ng Senado.

Dagdag pa nito na noong panahon niya bilang Senate President ay nagsasagawa ang Senate Office of the Sergeant at Arms (OSAA) ng optional drug test sa mga senador at random test naman para sa mga employeado.

Ikinalungkot niya dahil noong natapos na ang termino niya ay hindi na ito isinasagawa.

Isa umanong kahiya-hiya ang nasabing pangyayari dahil sa tila nasira ang imahe ng Senado sa pangyayari.

Magugunitang isinumbong sa OSAA ni Victor Patelo ang security personnel na nakatalaga sa ikalimang palapag ng Senate building ang kakaibang amoy na galing sa palikuran ng babae at noong Hulyo ay nakatanggap din ng sumbong mula sa lalaking staff at sinabing may kakaibang amoy sa nasabing lugar.

Huling nakita umano na gumamit ng palikuran ay ang actress na si Nadia Montenegro na staff ngayon ni Senator Robin Padilla.

Dahil sa insidente ay pinag-leave of absence muna ang actress.