-- Advertisements --

Magkakabit ag Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mas marami pang camera kasabay ng muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) simula sa Lunes, Mayo 26.

Ayon kay MMDA chairman Don Artes, maglalagay sila ng isang libo pang closed-circuit television (CCTVs) sa iba’t ibang parte ng Metro Manila para mapalakas pa ang pagpapatupad ng polisiya.

Aniya, ipapatupad ang NCAP sa lahat ng kalsada sa ilalim ng hurisdiksiyon ng MMDA partikular na sa EDSA, C5, Commonwealth (Avenue), Ortigas (Avenue), Roxas Boulevard kabilang na sa may Mabuhay Lanes.

Nitong Martes nga nang tanggalin ng Korte Suprema ang temporary restraining order (TRO) laban sa NCAP makalipas ang tatlong taon mula nang suspendihin ito noong Agosto 30, 2022 kasunod ng inihaing petisyon ng mga grupo ng mga transportasyon.