-- Advertisements --
Tinutukan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang sitwasyon sa unang araw ng transparency rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Simula kahapon ng umaga, inactivate ang MMDA Emergency Operations Center upang i-monitor ang mga kaganapan sa nabanggit na pagtitipon.
Pinangunahan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang traffic situation monitoring, kasama ang iba pang opisyal ng ahensiya, sa MMDA Communications and Command Center sa Pasig City.
Naging mapayapa at maayos ang unang araw ng INC rally at walang naitalang anumang aberya o insidente.
Dahil dito, kontento si Artes sa latag ng kanilang mga tauhan sa mga rally activities mula sa Luneta hanggang EDSA.
















