fil am jordan clarkson

Umeksena sina Joe Ingles, Donovan Mitchell at Rudy Gobert para tuluyang makalusot ang Utah Jazz sa Portland Trail Blazers, 121-115.

Nagawang makaalpas ng Jazz para sa kanilang ika-19 na panalo kahit nagtangkang kumayod ng husto ang Blazers sa huling sandali.

Umiskor si Mitchell ng 28 mula sa kabuuang 35 points sa second half upang iligtas ang Jazz.

Liban dito naharang naman ni Gobert, may 16 points at 15 rebounds, ang tira ni Carmelo Anthony samantalang 22.4 seconds na lang ang natitira gayundin na-block ang ginawa ni Damon Lillard na driving shot na may 5.2 seconds ang nalalabi upang wakasan ang huling hirit na fourth-quarter rally ng Blazers (14-18).

Samantala, agaw atensiyon ang debut sa bagong team ng dating Cleveland player at na-trade na si Filipino American Jordan Clarkson.

Kung maalala ipinalit ng Jazz para kay guard Dante Exum si Clarkson kasama na ang dalawang future second-round draft picks.

Pumasok si Clarkson sa game na may 4:05 ang natitira sa first quarter at agad naipasok ang pull-up jumper makalipas ang isang minuto.

Umabot din sa siyam ang attempts ni Clarkson sa kanyang 11-minuto sa court kung saan nag-ambag siya ng 9 points.

Sumablay naman ang lahat na kanyang tatlong tira sa second half.

Sa kabila nito, mainit siyang pinalakpakan ng mga Jazz fans at maging ang mga teammates at coaching staff ay na-impress sa unang dating ni Clarkson na hindi man lamang sumabak pa sa training sessions sa bagong koponan.

Gilas Pilipinas 1
Jordan Clarkson / Gilas Pilipinas Image

Layon umano ng Jazz sa pagkuha kay Clarkson ay palakasin ang kanilang second unit mula sa bench.

Bilib din ang Jazz na kinuha nila ang Filipino American dahil sa tibay at dami na ng inilaro nito sa loob lamang ng apat na taon, gayundin bibihira umano ang palpak na laro at magaling din bilang scoring machine sa second unit ng Cavs na merong 14.6 points per game na average.

Ang next game ng Trail Blazers ay host sila ng Lakers sa laro sa Linggo.

Ang Jazz naman ay bibisita sa Clippers.