Reading Time: 2 minutes
espino ambush
Espino Ambush

DAGUPAN CITY –Nasa kostudiya na ng PNP Pangasinan, ang nauna ng nawawalang bodyguard ni dating Pangasinan Rep. Amado Espino Jr., sa gitna ng pananambang dito sa lungsod ng San Carlos.

Una ng lumutang ang ulat na mayroong nawawala sa mga tauhan ng dating mambabatas.

Kinumpirma naman ni PCol. Redrico Maranan, Provincial Director ng PNP Pangasinan, na hawak na nila ngayon si Anthony Columbino, ang tumakas na driver ng innova na convoy ni Espino.

Matatadaan na sakay si Espino noong ng isang Land Cruiser na siya ring ginamit upang maitakbo ito sa pagamutan matapos nagtamo ng tama ng bala sa kanang bahagi ng tiyan at kaliwang kamay, ng kaniyang driver na si Agapito Cuison na noon ay sugatan narin kasama ang isa pang Jayson Malsi.

Habang si Columbino na driver ng back-up security nito ay kasama sina Police Staff Sgt Richard Esguerra, na dead on the spot at Kervin Marfori, na nurse ni Espino at nananatiling kritikal ang kondisyon.

Umaasa naman si Maranan na sa paglutang ni Columbino matapos maging missing in action sa kalagitnaan ng ambush ay, mabilis na makapabibigy ng linaw ang krimen.

Kinumpirma naman ng Provincial director, na kayat iniwan umano ni Columbino ang mga kasamahan nito ay dahil sa takot para sa kaniyang buhay, taliwas sa ipinakita ng ilang body guard ni Espino na yumakap sa kaniya upang maprotektahan ito noong pinapaputukan na sila.

Inihayag din ni Maranan, na kanilang nahanap si Columbino na planong bumalik na sa kanilang probinsya na hindi na tinukoy pa kung saan ng PNP.

Nabatid na si Columbino ay isang retiradong pulis.