kay Lumbaca Unayan
-- Advertisements --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Mariing kinondena ni City Mayor Oscar Moreno ang nangyaring pananambang ng motorocycle in tandem suspects kay Lumbaca-Unayan Mayor Somerado Guro sa Brgy. Iponan ng Cagayan de Oro City.

Ito ay matapos nagresulta ng hindi inaasahan na pagkasawi ng asawa ni Guro na si Rohaifa Guro, 26 anyos na tinamaan ng mga bala mula sa kalibre 45 na ginamit ng mga suspek.

Nakasakay ng pickup na may plate number KAD 4895 ang mga biktima nang tumabi ang mga suspek at agad pinagbabaril.

Naisugod agad ang mga biktima sa pribadong ospital subalit hindi nakayanan Ni Rohaifa ang kanyang mga tinamong mga sugat.

Inihayag ni Moreno nga gusto nito na mahuli agad ng mga pulis ang dalawang suspek at ang mismong posibleng nag-utos sa kanila na tambangan ang mga biktima.

-- Advertisement --

Pauwi na sana sa Lanao Sur ang mga biktima mula sa kanilang bahay sa syudad nang tinambangan ng mga suspek.