Maituturing nang national crisis ni Senador Joel Villanueva ang talamak na online gambling sa bansa.
Ayon sa senador, ang online gambling ay hindi na lamang isang libangan kundi isa nang seryosong pambansang krisis dahil maraming inidibidwal ang nalululong dito.
Mas malala pa aniya ang online gambling sa e-sabong at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na una nang ipinagbawal sa pilipinas.
Samantala, tinabla rin ni Villanueva ang isa mga mobile wallet na kahit maghigpit sila ng rules sa pagpo-promote ng online gambling, hindi pa rin ito sasapat.
Aniya, panahon na upang tuluyan i-total ban ang online gambling.
Umaasa naman si Villanueva na mababanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang isyu ng online gambling makaraang tuluyang ipagbawal ng pangulo ang POGO.
Bagama’t aniya mabigat itong panawagan, hindi naman daw niya pini-pressure ang pangulo ngunit ito aniya ang nararapat na gawin.