CAGAYAN DE ORO CITY – Agriculture excellence ang target ng Phividec Industrial Authority at Del Monte Philippines Incorporated sa ceremonial signing ng Memorandum of Agreement (MOA).
Ayon kay Phividec Administrator Atty. Joseph Donato Bernedo, ang hakbang na ito ay bahagi ng kanilang mas malawak na papel sa pagpapalakas ng ekonomiya sa rehiyon ng Northern Mindanao, hindi lamang sa pamamahala ng pantalan at pabrika kundi pati na rin sa aktibong produksyon ng pagkain.
Ang MOA ay magpapaigting sa sektor ng agrikultura ng Northern Mindanao.
Layunin ng kasunduan ang paggamit ng mahigit 226 ektarya ng lupa sa Phividec Industrial Estate sa Misamis Oriental para sa malawakang pagtatanim ng pinya at papaya, na inaasahang magiging pangunahing produkto para sa eksport.
Nilinaw rin ng Del Monte Philippines na hiwalay ito sa US unit na nagdeklara ng bankruptcy, at nananatiling matatag ang operasyon nito sa bansa, na may malakas na kita at lumalawak na merkado sa Asya.