Nanindigan ang misis ng naarestong NDF consultant na planted lamang umano ang mga nasabat na armas ng mga otoridad nahuling communist terrorist leader at NDF consultant Vicente Ladlad.

Ito ang pahayag ni Mrs. Fides Ladlad, matapos sumugod sa NCRPO kanina matapos mabalitaan na dito dinala ang kanyang asawa matapos na arestuhin kaninang madaling araw.

Hindi naman pinigilan ng mga pulis si Mrs. Ladlad na magsalita sa media.

Alegasyon ni Mrs. Ladlad na gawain na ng pulis at militar na magtanin mga mga baril sa mga kalaban ng pamahalaan para maging non-bailable ang offense.

Ganito rin aniya ang ginawa sa mga sa mga ibang communist terrorist leaders, na una nang nahuli, para hindi sila makalaya.

Kabilang sa mga nakumpiskang armas kay ladlad at sa dalawa pang kasamahan nitong sina Alberto Villamor at Virginia Villamor, ang dalawang high-powered rifles, dalawang pistola, apat na granada, isang tambak na bala at mga mahahalagang dokumento.

” Kung anuman na sinasabi nilang merong nakita o nakuha, planted yan. kasi You know why?para maging non bailable at hindi sila makalabas sa kulungan ever. Very unfortunate also for the police for violating the laws, sila mismo ang nagpa -plant ng mga baril,” pahayag ni Misis Ladlad.