ILOILO CITY – Kinubkob ng militar ang kuta ng mga rebelde sa bayan ng Igbaras, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Major Cenon Pancito III, tagapagsalita ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, sinabi nito na nangyari ang engkwentro sa Sitio Tigbanaba at Sitio Maje, Brgy. Curocuan, Igbaras, Iloilo.

Ayon kay Pancito, tumagal ng halos kalahating oras ang palitan ng putok sa pagitan nila ng Sibat Platoon, Southern Front Committee.

Kabilang sa mga nakumpiska ng militar sa kuta ng mga rebelde ay ang bala, magazine, mga gamit pampasabog at mga dokumento.

Samantala pinabulaanan naman ng rebeldeng grupo ang pahayag ng militar na may nangyaring engkwentro.

Ayon kay Elias Hinganiban, tagapagsalita ng Mount Napulak Command, sinabi nito na drama lang ng militar ang pagkubkob sa kanilang kuta.