CAGAYAN DE ORO CITY – Nanggagalaiti ng galit ang pulisya nang matuklasan na ilang aktibong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasa likod pag-ambush-patay ng officer-in-charge ng Binidayan Police Station sa boundary nh Binidayan-Ganassi at Pagayawan,Lanao del Sur.

Ito ay matapos lumalabas sa imbestigasyon na mga kaanak ng negosyante na nagpapalusot ng smuggled cigarettes ang pumaslang kay Police Executive Master Sargeant Amenm Lucman Macalangan at Ramel Pangcatan habang pauwi na sa kanilang himpilan sakay ng Mahindra police patrol noong nakaraang gabi.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Lanao del Sur Police Provincial Office Dir. Col. Madzghani Mukaram na nasa 11 katao ang nag-ambush sa biktima gamit ang M14 at M-16 rifles.

Inihayag ni Mukaram na hahabulin nila sa mga susunod na araw at kung lalaban ay uubusin nila ang mga suspek dahil sa sinapit ng kanyang mga tauhan.

Natuklasan na isa sa MILF members na nasa likod nang pananambang ay elected government official pa sa kanilang lalawigan.

Nabigo nang maka-return fire pa si Macalangan dahil maging ang kanyang short firearm ay tinamaan mula sa umuulan na mga bala ng M-16 at M-14 rifles na gamit ng mga suspek.

Si Macalangan ay tinamaan sa ulo,dibdib at katawan kasama si Pangcatan habang isa pang pulis na nakaligtas kaya nagsilbing testigo laban sa mga suspek.