Pinaalalahan ng mga malalaking supermarkets sa United Kingdom ang mga mamimili na huwag mag-panic buying.

Sa inilabas na pahayag ng nasabing grupo, na dapat bigyang konsiderasyon ang ibang mga mamimili at huwag ubusin ang mga ibinebenta.

Tiniyak din ng mga ito na may sapat na suplay ng mga pagkain at ibang mga kailangan ng mga tao.

Dapat rin aniya na bumili lamang kung ano ang kailangan para sa pamilya.

Magugunitang maraming mga residente ng UK ang nag-panic buying dahil pa rin sa banta ng coronavirus o COVID-19.