-- Advertisements --

Nagsimula na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay ng tulong, partikular na ang pagkain, sa mga pasaherong na-stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa pananalasa ng bagyong Verbena.

Layon ng inisyatibong ito na matugunan ang agarang pangangailangan ng mga indibidwal na pansamantalang hindi makabiyahe dahil sa masamang panahon.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, kabilang sa mga unang nakatanggap ng tulong ay ang 94 na stranded na pasahero na nasa Dalahican Port, na matatagpuan sa Lucena City, sa lalawigan ng Quezon.

Bukod pa rito, umabot din ang tulong ng DSWD sa may 100 Locally Stranded Individuals (LSIs) na pansamantalang nanunuluyan sa Bacolod Real Estate Development Corporation Port, na nasa Bacolod City, Negros Occidental.

Hindi rin nakalimutan ng DSWD ang 39 na stranded individuals na nasa pantalan ng Surigao City.