CENTRAL MINDANAO – Dineklarang ”persona non grata” ng mga residente ng Brgy Binoongan, Arakan, North Cotabato ang New People’s Army (NPA).

Kasabay ito sa isinagawang peace rally ng mga sibilyan at mga opisyal ng barangay.

Lumagda ng pledge of commitment ang mga sibilyan at naglabas ng resolusyon ang brgy council para ideklarang persona non grata ang mga NPA.

Sinabi ni Brgy Kapitan Julito Jungco na ang desisyon ng mamamayan ay dahil na rin sa takot na maipit sa gulo at bunga ng Community Support Program ng 19th Infantry Battalion Philippine Army.

Una nang nirereklamo ng mga residente ang umano’y panghihingi ng revolutionary tax ng NPA na animo’y ninanakawan na ang mga sibilyan.

Dumalo sa programa ang mga opisyal ng pulisya, militar, iba’t ibang ahensya ng gobyerno at sektor upang tuluyang matamo ng mamamayan ang tunay na kapayapaan.