Inihayag ni Trade Sec. Ramon Lopez na pinapayagan ang mga senior citizens o mga edad 60 pataas na makakain sa mga dine-in establishments.

Sinabi ni Sec. Lopez, bagama’t hinikayat ang mga nakatatanda na manatili sa bahay dahil maituturing silang pinaka-vulnerable sa COVID-19, pinapayagan naman sila ng gobyerno na makalabas para sa mahahalagang lakad.

Noong nakaraang buwan, pinayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga senior citizens na lumabas para magtrabaho sa mga otorisadong sektor, bumili ng gamot, magpa-konsulta at bumili ng essential goods.

Una ng pinayagan ng IATF na bumalik ang dine-in services sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula June 15 pero limitado sa 30 percent operating capacity.