Ibinahagi ng Department of Science and Technology (DOST) na posibleng ma-recover pa ang mga buto ng nawawalang sabungero kung itinapon talaga ang kanilang mga katawan sa Taal Lake.
Una nang sinabi ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan na inilubog umano ang mga katawan sa malalim na bahagi ng lawa sa Talisay, Batangas.
Ipinaliwanag ni DOST Secretary Renato Solidum na ang laman ng katawan ay mabilis ma-decompose, pero ang mga buto ay maaaring ma-preserve, depende sa lalim at dami ng oxygen sa tubig.
Una na ring sinabi ng mga otoridad ang kahilingan sa Japan para sa tulong sa paghahanap gamit ang teknikal na kagamitan.
Sa halip na magpadala ng divers, iminungkahi ni Solidum na gumamit ng kamera dahil hindi ligtas ang paglalangoy sa malalim na bahagi ng lawa.
Kasabay ng imbestigasyon, binanggit ni Patidongan ang pangalan ng ilang personalidad bilang sangkot sa kaso, habang umusbong rin ang kontra-akusasyon ng extortion laban sa mga whistleblower.