-- Advertisements --
Pagbabawalan ng hawakan ng mga airport security personnel ang mga pasaporte ng mga pasahero.
Ayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ang hakbang ay para maiwasan ang reklamo ng pagkakasira ng pasaporte.
Tatanungin lamang ang mga pasahero ng kanilang dokumento at kanila ito ng ipapakita sa mga security personnel.
Magugunitang nagsagawa ng imbestigasyon ang Department of Transportation (DOTr) at Civil Aeronautics Board matapos na hindi pasakayin sa eroplano ang ilang pasahero dahil sa pagkapunit ng kanilang mga pasaporte.
Pagtitiyak ng NAIA na nakikipag-ugnayan na sila sa mga airline companies para hindi na maulit ang insidente.