DAVAO CITY – Narekober ng mga personahe ng Anti-Illegal Logging Task Force at kapulisan ang mga undocumented na pinutol na mga kahoy sa Mati City Davao Oriental.
Sinasabing nasa 35 piraso ng mga squared timber na kinabibilangan ng 6,034.44 board feet ng Almaciga at Saguimsim lumber.
Isinagawa ang operasyon sa bulubunduking bahagi ng Sitio Brgy Macambol, Mati City, Davao Oriental kung saan kasama ng otoridad ang mga tauhan ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO).
Nakumpiska ang nasa Php 211,205.00 halaga ng mga naturally-grown Almaciga at Saguimsim na nasa kustodiya ngayon ng CENRO Mati City compound.
Nagpapasalamat naman si Col. Oliver Maquiling INF (GSC) PA, 701st Brigade Commander sa ginawang kooperasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan dahilan na nagtagumpay ang nasabing operasyon.
Tiniyak naman ng opisyal na hihigpitan pa nila ang pagpapatupad ng forestry laws, rules, at regulations sa papagitan ng kanilang binuo na Anti-Illegal Logging Task Force.