NAGA CITY – Hati pa rin umano ngayon ang suporta ng mga residente sa Estados Unidos hinggil sa Impeachment trial kay US President Donald Trump.

Sa report ni Bombo international correspondent Virginia Contreras ng Los Angeles California, sinabi nitong iba’t iba ang reaksyon ng
publiko sa planong pagpapatalsik kay Trump bilang Presidente ng US.

Ayon kay Contreras, may mga natutuwa at mayroon din umanong nalulungkot hinggil dito.

Aniya, sa ngayon wala pang kalinawan sa pwedeng maging resulta ng impeachment lalo na at halos lahat ay umiikot lamang sa pulitika at
kapangyarihan.

Samantala, naniniwala naman si Contreras na malaki ang laban ni Trump sa nasabing impeachment lalo na at mas marami ang kaalyado nitong
Republicans kumpara sa mga Democrats na kontrolado ang electoral college maging ang Kongreso.