-- Advertisements --

Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 190,115 outbound passengers at 159,551 inbound passengers sa lahat ng pantalan sa buong bansa.

Sa 16 PCG Districts, sinuri ng mga tauhan ang 1,461 na barko at 1,405 na motorbanca.

Kumpara sa datos noong Mayo 12, bumaba ng 30% ang bilang ng papalabas na pasahero at 18% naman ang pagbawas sa papasok na pasahero.

May 10% na pagtaas sa bilang ng na-inspeksyong barko ngunit bumaba ng 7% ang bilang ng na-inspeksyong motorbanca.

Nasa heightened alert ang PCG mula Mayo 9 hanggang Mayo 13 upang masigurong maayos ang daloy ng mga pasahero sa mga pantalan.

Sinasabing ang karamihang bumyahe ay mga umuwi sa lalawigan para makaboto noong Mayo 12, 2025.