May mga pagbabagong isasagawa ang Republicans sa gagawin nilang National Convention para i-endorso si US President Donald Trump sa pagtakbo nito sa pagkapangulo sa November US elections.
Ang nasabing events ay dalawang beses na iniurong dahil sa coronavirus pandemic.
Gaganapin ito sa Charlotte Convention Center sa Charlotte, North Carolina ngayong 8 :30 ng umaga oras sa Pilipinas.
Magkakaroon ng pinaghalong online at in-person events.
Ilan sa mga napiling magsasalita sa unang araw ay sina dating Ambassador Nikki Haley, Senator Tim Scott, Alaska Governor Sean Parnell, Donald Trump Jr at maramig iba pa.
Hindi gaya ng Democrats magkakaroon ng in-person hosting ang Republicans kung saan ang mga dadalo ay dapat magsuot face masks at obserbahan ang social distance.
Bawat dadalo din ay sasailalim sa self-swab COVID-19 test bago pumasok sa kanilang mga hotels.
Tatagal ng hanggang dalawang oras kada araw na tatakbo ng apat araw at sa pang-apat na araw ay doon tatanggapin ni Trump ang party nomination nila.
Isinasagawa ang party conventions isang beses kada apat na taon.
Magugunitang noong 2016 ay naging magarbo ang isinagawang National convention.