CENTRAL MINDANAO- Nanguna si Kabacan North Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr at ABC President Municipal Councilor Evangeline Guzman sa muling pag-inspeksyon sa mga paaralan sa lungsod para masigurado na ligtas ang mga estudyante at mga guro.

May mga paaralan sa bayan ng Kabacan ang nagkaroon ng bitak dulot ng tatlong magkasunod na malalakas na lindol sa probinsya.

Una nang inatasan ni Mayor Guzman Jr ang Municipal Engeneering Office at MDRRMO na siguraduhin na ligtas ang mga mag-aaral at guro sa mga paaralan na nagkabitak sa lindol.

Ang bayan ng Kabacan ay di nakaligtas sa malalakas na pagyanig ngunit nanguna parin ito sa pagtulong sa bayan ng Mlang,Tulunan,Makilala at Kidapawan City na grabeng sinalanta ng lindol.

Nagpasalamat naman si Mayor Guzman sa DPWH sa pagkompuni ng malaking drainage canal sa bayan ng Kabacan at maiibsan na ang nararanasang pagbaha.