-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na agad maghanda sa posibleng epekto ng masamang panahon dulot ng habagat. Ito ay kasunod ng pagdeklara ng state weather bureau ng opisyal na pagsisimula ng tag-ulan.

Sa isang memorandum, inatasan ng DILG ang LGUs na tiyaking handa ang kanilang emergency teams, evacuation centers, at contingency plans. Dapat ding magsagawa ng mga drill at paigtingin ang pagbabantay sa mga lugar na delikado sa baha at landslide.

Nabatid na ang memorandum ay bahagi ng Operation Listo program ng ahensya na layong gawing mas matatag at ligtas ang mga komunidad laban sa kalamidad.