-- Advertisements --

Maraming mga negosyante US ang naghahanda sa posibleng pagsiklab ng kaguluhan sa kasagsagan ng halalan.

Sa isang banko sa Washington D.C ay pinayuhan nila ang kanilang customers na magbubukas sila subalit tatakpan ng tabla ang mga bintana dahil sa inasahan nila ang kaguluhan na sisiklab pagkatapos ng halalan.

Isinara rin nila ang mga ATM at sila ay magsasara kapag nasa panganib na ang kanilang mga empleyado.

Maging ang ilang mga apartment complex sa Los Angeles ay pinayuhan ang mga tenants sa pagdagdag ng security.

Magugunitang nagpahayag ng kahandaan ang mga kapulisan sa Los Angeles at New York laban sa mga posibleng maghasik ng mga kaguluhan at ang magsagawa ng kilos protesta sa halalan ng US.