Dalawang Philippine offshore gaming operators (POGOs) ang naghain ng kanselasyon ng kanilang offshore gaming licenses sa bansa.

Kasama rito ang malaking Macau-based junket operator ng Suncity Group na nagdesisyon na lumipat na lamang sa ibang bansa.

Nauna rito inihayag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na sa kabuuang 60 lisensiyadong POGO ay mayroong 13 lamang ang nakakuha ng clearance mula sa Bureau of Internal Revenue para ituloy ang operations.

Inaasahan rin ng PAGCOR na mayroong 40 pang POGO ang mananatili sa bansa hanggang katapusan ng taon.