angeles
-- Advertisements --

angeles2

Sinibak na sa pwesto ang mga tauhan ng Police Station 5 sa Angeles City, Pampanga na sangkot umano sa prank video nitong April 1.

Mismong si Angeles City Mayor Carmelo Lazatin ang nagpasibak sa pwesto sa mga sangkot na pulis.


Sa isang video, makikita ang dalawang pulis na nag escort ng lalaki sa loob ng patrol car.


Yun pala ay prank lang ito dahil sa April Fools day at hindi lehitimong operasyon.
Sasampahan ng kasong administratibo ang mga pulis dahil sa paglabag sa health protocol. Gayundin ang entertainment organization na sangkot din sa prank.

-- Advertisement --

Huwebes nang makarating kay Police BGen Val De Leon, Regional Director ng Police Regional Office 3 ang insidente at agarang ipinag utos ang imbestigasyon.

Kinundena ni De Leon ang nasabing insidente lalo pa’t nasa gitna tayo ng COVID 19 pandemic.