House Congress
House of Representatives

Maglalaan ang House of Representatives ng hanggang P10 million para sa karagdagang incentives sa mga Filipino gold medalist na lumalahok sa 30th Southeast Asian Games.

Sinabi ni Speaker Alan Peter Cayetano na laman ng House Resolution 568 ang pagbibigay ng bahagi ng kanilang sahod ng Enero 2020 para sa karagdagang insentibo ng mga atleta.

Sinang-ayunan naman ng mga mambabatas ang nasabing panukala bilang pagkilala na rin sa galing ng mga atletang Pinoy.

Magugunitang aabot sa 1,094 na mga atletang Pinoy ang kalahok sa SEA Games kasama ang 753 na mga coaches.