-- Advertisements --

Ipinapabasura ni Vice President Sara Duterte ang impeachment complaint na isinampa laban kaniya.

Sa isinumiteng 35-pahinang kasagutang ng Bise Presidente sa summon ng Senado , ay sinabi nito na hindi balido ang nasabing ika-apat na impeachment complaints.

Lumalabag umano ito sa One-Year Ban Rule sa ilalim ng Article XI ng 1987 Constitution.

Tanging mga representatives ng abogado ng Bise President mula sa Fortun , Narvasa and Salazar Law Firm ang nagsumite ng kasagutan nito sa Senado nitong Lunes, Hunyo 23 dakong 5:49 ng hapon.