Nguyen Phu Trong
Nguyen Phu Trong

Naghihintay ng paliwanag ang mga mamamayan ng Vietnam mula sa kanilang gobyerno dahil sa hindi pagpapakita ng kanilang pangulo.

Umaabot na kasi sa mahigit tatlong linggo ng hindi nakikita sa publiko si President Nguyen Phu Trong matapos na ito ay nagkasakit ng Abril 11.

Lumakas din ang espekulasyon sa kalusugan ng 75-anyos na pangulo ng hindi na ito nakadalo sa libing ng dating pangulong Le Duc Anh.

Pinawi naman ng tagapagsalita ng gobyerno ang pangamba na lumala ang sakit nito at tiniyak na agad na makakabalik sa trabaho ang pangulo sa lalong madaling panahon.