-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad sa Vietnam ang isang beauty queen dahil sa pagbebenta ng mga pekeng fiber supplements.

Si Nguyen Thuc Thuy Tien ay nagpromote sa kaniyang social media ng mga gummies na mayaman umano sa fiber.

Lumabas kasi na mayroon lamang 16 mg ng fiber ang produkto at hindi 200 mg gaya ng sinsambit nila sa kanilang promosyon.

Sinuri ng mga otoridad ang ibinebenta nito at napatunayan na walang katotohanan.

Sikat si Nguyen sa kanilang bansa matapos na magwagi ng Miss Grand International pageant.

Una ng inaresto ng mga otoridad noong Marso ang tatlong influencers na kasama ni Nguyen na nagbenta ng nasabing produkto.

Mahigit 100,000 na kahon ng nasabing produkto ang naibenta na bago maaresto ang mga endorsers dahil umano sa panloloko sa mga tao.