-- Advertisements --

Itinanggi ni French President Emmanuel Macron na nagkaroon sila ng alitan ng asawa.

Sa kumalat kasi na video ay makikita na pagkabukas ng pintuan ng eroplano ay makikitang sinampal ito ng asawang si Brigitte.

Nangyari ang insidente habang ang French President ay nasa Vietnam para sa unang bahagi ng kaniyang Southeast Asia Tour.

Hindi itinanggi ni Macron ang video at sinabing ito ay totoo subalit ang mali lamang ay binigyan ito ng maling kahulugan.

Paglilinaw niya na nagkabiruan lamang sila ng asawa kung saan nasasampal siya nito kapag napipikon minsan aniya sa biro.