Nagsama ang Department of Health (DOH) at ang online-shopping giant na Lazada para makahikayat ng mas maraming indibidwal na magpabakuna.

Ayon kay Dr. Beverly Ho, director ng DOH Promotion Bureau, na mayroong 15 percent na diskuwento na makukuha ang mga nagpabakuna sa bawat bili nila sa nabanggit na online shop.

Dagdag pa nito na mula pa noong nakaraang mga buwan ay patuloy ang ginagawa nilang panghikayat sa mga tao na magpabakuna laban sa COVID-19.

Isa lamang ito sa paraan ng DOH na manghikayat sa mga Filipino na mapaturok ng COVID-19 vaccine.