-- Advertisements --
Patuloy ang paglawak ng mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1 habang papalapit ang Tropical Depression Ramil sa silangang bahagi ng bansa.
Ayon sa pinakahuling ulat, ang sentro ng Bagyong Ramil ay nasa layong 760 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna, at pagbugsong hangin na hanggang 70 kilometro bawat oras. Kumikilos ito pa-timog kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras.
Signal No. 1:
Silangan at timog na bahagi ng Quezon at Pollilo Islands
Buong Camarines Norte,
Camarines Sur,
Catanduanes,
Albay,
Sorsogon,
Burias Island,
Ticao Island
Northern Samar
Hilagang bahagi ng Eastern Samar
Hilagang bahagi ng Samar