-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang bilang ng mga lugar sa bansa na nagdeklara ng State of Calamity dahil sa epekto ng bagyong Crising at Habagat.

Nitong araw ng Miyerkules, Hulyo 23 ay idineklara na ng Meycauayan City, Bulacan ang state of Calamity.

Kasabay din ngayong araw ay idineklara ang state of calamity sa lungsod ng Marikina.

Sinabi ni Marikina Mayor Maan Teodoro, na layon ng pagdeklara nila ng state of Calamity ay para mapabilis ang pamamahagi ng tulong sa mga apektadong residente.

Bukod sa nasabing lugar ay nagdeklara na rin ng state of calamity ang mga lugar ng Cainta, Rizal; Calumpit, Bulacan; Lungsod ng Maynila; Quezon City; Malabon City, Dagupan City at Cavite.