Nadagdagan pa ang mga lugar na nasa signal number 1 dahil sa tropical depression “Paolo”.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bagyo sa Silangang bahagi ng Virac, Catanduanes.
Mayroong taglay na hangin na 55 kilometer per hour at pagbugson ng 70kph.
Nakataas naman ang tropical cyclone wind signal number 1 ang mga lugar ng Alicia, San Mateo, Aurora, San Mariano, Ramon, Naguilian, Dinapigue, Roxas, San Guillermo, Luna, City of Cauayan, Echague, Ilagan City, Angadanan, Benito Soliven, City of Santiago, Reina Mercedes, San Agustin, San Manuel, Palanan, Cabatuan, Quirino, Gamu, San Isidro, Cordon, Jones, Burgos, Maconacon, Divilacan, Tumauini sa Isabela; Quirino; Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis sa Aurora; at sa Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga sa Catanduanes.
Maaring mag-landfall ang bagyong Paolo sa Isabela o sa northern Aurora sa umaga o hapon ng Biyernes , Oktobre 3.
Binalaan ng ahensiya ang mga lugar kung saan nakataas ang signal number ng ibayong pag-iingat dahil sa inaasahang malalakas na pag-ulan.