-- Advertisements --

Tiniyak ni NBA Commissioner Adam Silver na mareresolba ang lahat ng gusot kapag sinimulan ng bumalik ang mga laro sa katapusan ng Hulyo.

Sinabi nito na ang muling panunumbalik nila ng mga laro ay para masolusyunan ang hinaing ng mga manlalaro sa kanilang pagkalugi matapos na ihinto ang mga laro.

Dagdag pa nito na gumagawa sila ng paraan para maibalik sa normal subalit may mga health protocol pa rin silang susundin.

Ilan sa mga dito ay ang pagbabalik sa ensayo ng 22-koponan na maglalaro sa walong laro na susundan ng tradisyunal na 16-team playoff bracket.

Magugunitang itinakda sa Hulyo 30 ang pagbabalik ng mga laro sa NBA at ito ay gagawin sa Disneyland sa Orlando Florida.

-- Advertisement --