-- Advertisements --

Umabot na sa 17 milyong Filipino ang naturukan na ng dalawang doses ng bakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na mayroon ding mahigiti 2.2 milyong katao sa bansa ang nakatanggap na rin ng kanilang unang dose ng COVID-19 vaccine.

Dahil dito ay nasa mahigit 39 milyon katao na sa bansa ang naturukan ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa nasabing bilang ay mayroong mahigit 6 milyong residente ng Metro Manila ang “fully vaccinated” o katumbas ng 61% ng target population sa rehiyon.