Ipinag-utos ng Department of Justice Taclocan Regional Trial court na sasampahan ng four counts ng frustrated murder, at six counts of attempted murder ang 15 year old na naging sangkot sa school shooting sa San Jose National High School sa Tacloban noong ika-22 ng Hunyo, ngayong taon.
Sinabi ni Department of Justice Undersecretary Ian Norman Dato, napag-alaman ng prosecutor na kumilos ang menor de edad nang may discernment at “in conspiracy with a second minor”, sa madaling salita siya ay kakayahang makaintindi ng tama at mali habang nakikipagsabwatan sa isa pang kapwa menor de edad.
Ayon pa kay Dato, ang apat na counts of frustrated murder ay may katapat na rekomendasyon para sa piyansang 72,000 pesos sa bawat count ng frustrated murder, habang ang 6 counts ng attempted murder ay may katumbas na piyansang 36, 000 pesos sa kada bilang nito.
Mananatili naman ang isa pang kasama nito na 14 anyos sa Local Social Welfare Office sa ilalim ng social intervention. Matatandaang dalawang estudyante ang nasawi habang mahigit dalampu naman ang sugatan matapos ang Tacloban school shooting.















