-- Advertisements --

Pumalo na sa 16,006 ang bilang ng mga Filipino na nasa ibang bansa na dinapuan ng COVID-19.

Kasunod ito ng ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong 21 bagong kaso ang naitala.

Mayroon ding naitalang bagong dalawang nasawi matapos dapuan ng virus.

Sa nasabing bilang ay 5,257 dito ang ginagamot, 9,702 naman ang gumaling na at 1,047 ang nasawi.

Nanguna pa rin ang Middle East at Africa na mayroong 3,447 ang nadapuan na sinundan ng Europ na mayroong 870.

Tiniyak ng DFA na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga bansa para matulungan ang mga Filipino na dinapuan ng virus.