-- Advertisements --

Bumuo ng independent committee ang gobyerno ng Hong Kong para pangunahan ang imbestigasyon sa naganap na malawakang sunog sa Wang Fuk Court Complex na ikinasawi na ng 156 katao.

Sinabi ni Hong Kong chief executive John Lee na pangungunahan ng isang judge ang independent investigator para mapanagot ang nasa likod ng pinaka-madugong sunog sa Hong Kong.

Mayroon ng 15 katao ang inaresto at iniimbestigahan na may kaugnayan sa naganap na sunog.

Magugunitang mayroon 30 iba pa ang hindi pa nakikita dahil sa malawakang sunog na naganap.

Nagsagawa ng tributes ang mga residente ng Hong Kong sa mga domestic helpers na nasawi na siyam ay mula sa Indonesia at isa sa Pilipinas.