-- Advertisements --

Itinanggi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nagbibigay sila ng P150,000 sa mga overses Filipino workers (OFW) na humiling na umuwi na sa bansa.

Ayon sa OWWA na walang katotohanan ang pagkalat sa social media na mayroong perang matatanggap ang OFW na nais umuwi matapos na maipit sa kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Ikinalungkot nila ang pag-abuso ng ilan sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) para magmukhang lehitimo ito.

Paglilinaw nila na ang financial assistance ay ibinibigay lamang sa mga OFW na lubos na may pangangailangan.

Mayroon din silang mga livelihood program para sa mga OFW na nais na magsimula ng bagong buhay sa bansa ganun din ang pagsasanay, scholarships at upskilling na kaalaman para sa OFW na makakatulong sa kanilang pagkuha ng trabaho sa mga darating na panahon.