-- Advertisements --

Ibinahagi ni US President Donald Trump ang plano nito sa mga crude oil na nakalagay sa mga tankers na kanilang nakumpiska sa karagatan ng Venezuela.

Ayon kay Trump na maaring itago nila o ibenta ang mga langis kasama na rin ang oil tanker.

Dagdag pa nito na maari rin gamitin nila ang mga langis sa kanilang strategic reserves.

Magugunitang nakumpiska ng US military ang dalawang oil tankers ng Venezuela ngayong buwan.

Inalmahan naman ng Venezuela ang ginawang pagkumpiska na ito ng US kung saan isang uri umano itong pagnanakaw.