ILOILO CITY – All set na ang mga eskwelahan sa schools division ng Iloilo para sa limited face-to-face classes.

Sa Iloilo, apat na eskwelahan ang napasama sa mga inirekomenda upang magsagawa ng pilot implementation.

-- Advertisement --

Ito ay ang Palanguia National High School sa Pototan, Granada National High School- Ballesteros Campus sa Carles, Cabacanan Elementary School sa Alimodian at Tomas Confesor Memorial Elementary School sa Cabatuan, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Mr. Leonil Salvilla, information officer ng Schools Division of Iloilo, sinabi nito na ang nasabing nga eskwelahan ay mula sa mga localities na classified bilang low-risk sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).