Personal na nag donate si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng limang Starlink internet units sa limang paaralan sa Marawi City.
Sinaksihan mismo ng Pangulo ang pagkakabit ng internet sa Temporary Learning Spaces (TLS) sa Barangay Sagonsongan sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ang limang paaralan ay kinabibilangan ng Bangon Elementary School, Bacarat National High School, Angoyao National High School at Cabasaran Primary School.
Namahagi rin ito ng mga school bag na may laman nang gamit sa lahat ng TLS enrollees.
Nag-inspeksyon si Pang. Marcos sa TLS para matiyak na patuloy na napagkakalooban ng suportang pang-edukasyon ang mga mag-aaral na naapektuhan ng Marawi seige.
Ang TLS ay isang emergency education initiative na inilunsad matapos ang Marawi siege noong 2017.
Sa ilalim nito, nagtayo ng mga tent at modular structures na nagsisilbing mga pansalamantalang silid-aralan sa mga lugar na nawasak ang mga gusali ng paaralan para matiyak ang tuloy-tuloy na pag-aaral ng mga estudyante.