CENTRAL MINDANAO-Para matiyak na hindi na gumagamit ng pinagbabawal na droga ang mga drug surrenderees o Person who used drugs (PWUD) sa bayan ng Datu Montawal Maguindanao ay sinailalim muli sila sa drug testing.
Itoy batay sa kautusan ni Datu Montawal Mayor Datu Otho Montawal at Vice-Mayor Datu Vicman Montawal.
Ayon kay Mayor Datu Otho Montawal na siguradong may kalalagyan ang mga drug surrenderees na mapapatunayan na gumagamit pa rin sa pinagbabawal na droga.
Matatandaan na naglabas ng shoot to kill order ang mag-amang Montawal sa mga tao o grupo na sangkot sa illegal drug trade sa bayan ng Datu Montawal at may pabuya ang makakahuli patay man o buhay sa mga drug pusher, drug dealer, drug protector at drug traffickers.
Nilinaw ng Alkalde na ang shoot to kill order ay sa anti-drug operation ng mga otoridad, pag nanlaban ang mga suspek wag nang mangiming itoy barilin.
Sa kabila ng Covid 19 crisis ay pinaigting pa ng LGU- Datu Montawal ang kampanya kontra illegal drugs, kriminalidad, terorismo, illegal gambling at iba pa