Saudi aramco attacks oil drone
Saudi Aramco attack

Ibinunyag ng isang Senior US officials na galing sa Iran ang drones at cruise missiles na umatake sa oil facilities ng Saudi Arabia.

Ito ang naging resulta ng pagsisiyasat ng U.S. sa nasabing insidente.

Hindi napigilan ng Saudi air defense ang drones at missiles dahil nakaharap sa timog bahagi kung saan nandoon ang Yemen.

Mariing pinabulaanan naman ng Iran ang pagkakasangkot sa insidente.

Tiniyak naman ni Energy Minister Prince Abdulaziz bin Salman na pananagutin nila sa korte ang nasabing nasa likod ng atake.