-- Advertisements --
Pumasok na ang US envoy sa Syria matapos ang ginawang pag-atake ng Israel sa Syria.
Ayon kay Tom Barrack ang US special envoy sa Syria, na kaya sila nanghimasok ay para maiwasan ang anumang pagtaas ng tension.
Nanawagan din ito ng pakikipag-usap para magkaroon ng kalinawanan at hindi na lumala pa ang pag-atake.
Una ng ipinag-utos ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu, ang pag-atake sa mga government forces ng Syria at military convoy na patungo sa Suwayda na malapit sa Israel.