-- Advertisements --

Ibinabala pa rin ng National Weather Service (NWS) na magpapatuloy pa rin ang malakas na pag-ulan sa East Coast mula Virginia hanggang New York.

Sa nagdaang dalawang mga araw ay naranasan sa lugar ang matinding pag-ulan kung saan nabaha ang ilang subway.

Sa nasabing insidente rin ay nasawi ang dalawang katao matapos na tangayin ng agos ang kanilang sasakyan.

Una ng idineklara ni New Jersey Governor Phil Murphy ang state of emergency dahil sa malawakang pagbaha na naranasan sa lugar.

Itinuturing naman ng New York City na ito na ang matinding pag-ulan na kanilang naranasan mula pa noong 1908.