Inalmahan ng mga driver at konduktor ng mga pampasaherong sasakyan sa naging kautusan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na sila ay pinag-susuot ng mga facemask.

Ayon sa ilang mga driver at konductor na nahihirapan silang maghanap ng mabibilihan ng facemask dahil ito ay nagkakaubusan na.

Nahihirapan naman ang ibang mga driver na huminga at hindi komportable kapag may suot na facemask.

Nauna rito pinagmumulta ng LTFRB ang sinumang driver at konductor na walang facemask bilang bahagi na rin ng paglaban sa pagkalat ng novel coronavirus.